Spell boring P-R-O-M

So nagpa-ayos ako sa Maricel Salon ng mga 2:00 pm tas natapos ng mga 4:00 kapal kasi ng buhok ko. >.< Ayos lang naman yung pagkakagawa pero hindi parin ako masyadong nagandahan sa sarili ko haha wala nang pagasa. XD
Tapos, umuwi na ako para magready at sinoot ko na rin yung aking cocktail dress.
Mga 10 to 5 ako inihatid sa school ni mommy tas, nagaalinlangan pa akong bumaba sa car kasi baka ako lang ang tao doon edi pinababa muna ni mommy yung katulong namin tas nung pagbalik niya, biglang naputol yung strap ko :O Edi nagdecide kami na umuwi ulit since mga 3-minute drive lang naman from school to our house.
Tapos yun, pagdating ko andun na si Inah, Radie, Kiolo. Hanap kami ng table tas picture ng konti. After ilang minutes, dumating na sina Mommy Lois, Dac, Rey Ann at shempre,picture ulit.

Tapos mga 6:00 pmnagsidatingan na yung naggagandahan at nagpopogian kong mga kaklase. At nagstart na yung program. Nakakainip lang, tutunganga, tapos wala namang mapagusapan etc. for short, gusto ko nang umuwi. Grabe! Haha.
Mga 7:00 pm, kainan na. Ok naman yung pagkain, parang handa lang sa typical na party may beef, fish fillet, sesame chicken at walang kupas na fruit salad.
After kumain, binuksan na nila yung dance floor. Uwing-uwi na ako kasi wala talaga akong hilig sa mga sayawan at party-party. May mga nakasayaw naman akong konti, mga naawa at napilitan lang siguro. Lol.
Tapos nag-12 am na. Nagpasundo narin ako. Tapos yun, uwi na. Yea!

Ok, mukha akong bakla. Haha, no offense! :) HINDI PO AKO TOPLESS JAN! TUBE LANG PO TALAGA YUN DRESS KAYA HINDI KITA, PERO MAY DAMIT PO AKO NIYAN!
Yun, para sakin, boring ang prom kasi hindi naman ako sikat, maganda at party girl. Kasi para ka lang nagcuclub(Feeling ko naman, nakapunta na ako sa club lol) sasayaw-sayaw. Siguro kung may lovelife ka, masaya at nakakakilig or kung popular ka naman, shempre, masaya kasi para kang celebrity sa gabing yun. Hmmm, sabi nila prom daw ang pinakamasaya sa highschool pero para sakin, fallacy yun kasi mas masaya ang college fair! XD
Hmmm, next year baka hindi na ako umattend, (kasi panget parin ako next year haha loljk! XD) kasi naexperience ko na naman at feeling ko sayang lang pera ng magulang ko haha. So ayun, thankful naman ako sa experience at sa mga friends ko na kahit papano ee nagpasaya ng gabi ko at ok na rin, atleast hindi ako napahiya. :D All thanks to God! :***